Sa bahay nga, hirap matulog si Enzo lalo na sa hapon dahil talagang pawis na pawis. Pinabubukas na nga namin ang air-con para makatulog ng maluwag sa hapon. Mana kasi sa parehong lolo niya na pawisin, kaya minsan kahit nasa air-con na, pinapawisan pa rin!
Si Zia naman ganun din, kahit naka tapat na ang electric fan sa kanya pag natutulog, pawis na pawis pa rin, pero itong panganay namin kahit mainit walang problema sa pagtulog.
Buti na lang, magsu-swimming kami sa linggo kasama ang mga kapatid ko, sa Los Banos sa Laguna, nakakita si Judith ng isang private pool at dun kami the whole day. Excited na nga kami lahat, maglalagay na lang ako ng litrato ulit dito sa blog.
Heto si Enzo, pa macho effect dahil sa init.
No comments:
Post a Comment