Pages

Monday, April 23, 2007

Los Banos 2

Pagkatapos niyang mag-karaoke, sumama na rin sa pool si Judith, kasama si Zia, Kurt at Alicia. Nasa likod naman ang malalaking bata.


Isa na ito sa matinong group picture, lahat kasi magulo at malikot. Tingnan niyo yung nasa likod (si Klaire), mag-isa siya dun, nakasalbabida pero takbo ng takbo sa paligid ng pool. Bait no?


Kainan na, naghanda si Judith ng liyempo at tilapia na inihaw ni Noli, bumili naman si Bado ng lechon manok, gumawa si Noli ng talong salad, ayos! Nasa picture si Lare, Jing, Noli, Biboy (natakpan ko) at Zsazsa.


Umahon na rin ang mga bata pagkatapos lumangoy ng 3 oras, nasa picture sina Biboy, Kurt, Lare, Bado at Alicia. Nandun sa likod nila yung pool. Matutuwa si Nanay, ginagamit pa namin yung lalagyan niya ng paper plates.


Kabilang angle naman, nadagdag sa picture si Jing at si Judith, makikita naman sa likod yung billiard table.

No comments: