Pages

Saturday, January 5, 2008

Pasko 2007

Masaya ang Pasko ng Pamilyang Perez ngayong 2007.

Una, dahil ito ang unang Pasko ni Enzo.
Pangalawa, nandito sa Pilipinas si Tatay at Nanay.
Pangatlo, nakasama namin sina Mommy at Daddy.
Pang-apat, kasama namin lahat ng aming mga kapatid, pamangkin, pinsan at iba pang mahal sa buhay.

Si Zia, naging paborito ang Ray Conniff na Christmas Tunes, laging pinapatugtog niya at sinasabayan pa sa pagkanta, pa-utal nga lang. Madami rin sila ni Enzong natanggap na mga regalo. Ako rin, medyo maraming natanggap na regalo lalo na galing sa opisina sa PGH.

Nakapag misa de gallo kami sa aming simbahan kasama si Zia (tulog na si Enzo) sa unang pagkakataon dahil sa nakaraang tatlong taon, sa PGH kami nakakapagsimba. Yun nga lang, saksakan ng gulo si Zia sa misa, umaabot sa harap ng simbahan kakalakad.

Kumpleto rin ang mga apo nina Tatay at Nanay noong Noche Buena sa Las Pinas. Masaya ang mga bata lalo na sa palitan ng mga regalo. Sayang at wala sina Jay at JP.

Kasama naman namin sa bahay nung Dec 25 sina Mommy, Joy, Mek, Candy, Ogie, Tita Nilds at mga bata. Siyempre, masaya na naman ang buong bahay dahil kina Gian, Sean, at Kyla.

Noong Dec 26, pumunta naman kami sa SM Mall of Asia, sa Gumbo Restaurant para makasama namin si Daddy. Katulad nung nakaraang dalawang araw, masaya ulit ang lahat.

Heto ang mga pruweba...





No comments: