Pages

Monday, June 4, 2007

June

June na ulit, tag-ulan na naman at pasukan na naman.

Mag-eenroll na naman ako para sa aking Masteral course sa Health Informatics sa UP Manila. Pangalawang taon ko na sa kurso pero hindi ako masaya sa mga natatapos ko sa klase, hindi ko talaga mabigyan ng kaukulang oras para masulit ko yung mga klase namin, nauuwi tuloy na naghahabol ako palagi lalo na kapag may mga kailangang ipasa. Hay naku.

Pipilitin ko na sa darating na semestre ay mas maging maganda pa ang magiging takbo ng aking pag-aaral. Medyo mahirap, pero kaya naman.

Mas malamig na ang panahon dahil nag-uulan na, di na katulad ng nakaraang mga araw na saksakan ng init. Sa bahay naman namin, medyo tahimik naman at wala masyadong bago. May umalis lang na isang yaya (kay Enzo) pero may nahanap naman kaming kapalit (kaya lang mukhang di rin tatagal). Nakakaya naman ni Judith sa ngayon dahil mababait naman sina Enzo at Zia. Nakakapag-clinic pa rin naman siya. Ang Mommy naman ay naiiwan sa bahay kasama ang mga yaya kapag wala kaming dalawa ni Judith.

Namomoroblema lang kami ng konti kay Zia dahil hindi pa rin regular ang kanyang pagdumi. Minsan maayos pero minsan hirap na hirap siya kaya umiiyak habang dumudumi. Nakakaawa talaga pag nakikita naming nahihirapan siya, kadalasan tuloy pinipigil niya na dumumi siya. Sana nga malagpasan niya na to.

Pipilitin kong maging regular din na magsulat dito, baka nga mabawasan dahil medyo maraming parating na gawain. Tiis muna.

Buti na lang merong isang magandang paparating na mangyayari sa buwan na ito, ang aking kaarawan sa 23. Magiging 36 na ako!

No comments: