As luck would have it, the ceremony became special since we were the only one there, at walang kasabay si Enzo na bininyagan.
Here's Enzo while waiting for the ceremony to start. Di lang halata pero naiinitan na yan.
Si Father Lito ang officiating priest, siyempre dahil kami lang ang nandun, sa altar mismo kami naka pwesto.
Baby Enzo with Mama, Papa and Ninong Jojo.
Yung veil na ginamit ni Zia sa baptism niya, yun din ang pinagamit namin kay Enzo. Medyo nag-alala lang kami dahil mas malaki si Enzo baka di magkasya, buti na lang tamang-tama lang. Medyo mainit nga lang kaya habang nasa ceremony, medyo umiiyak si Enzo.
Heto naman ang aming panganay na si Zia, kasama si Ate Alicia niya. Tuwang tuwa din si Zia sa loob ng church dahil maluwag, marami siyang nalalakaran, natatakbuhan at nagagapangan.